Jilliane Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you! Halos mapalundag ako sa tuwa ng makita ko kung sino ang kumakantang papalapit sa akin, si Drake at Criselle may dalang cake ang dalawa. "Wow! Panong---?" Magsasalita pa sana ako but Criselle cut me off. "I'm your best friend for eight years Jilliane girl. Kahit saang lupalop tayo ng mundo dalhin you know naman na hindi maiaalis nuon ang katotohanang ikaw at ako ay iisa, pareho tayong luka-luka! Hahaha! Happy Birthday Jilliane and I Love You so much! Kahit na nagtatampo ako sayo dahil hindi mo ako inimbita sa kasal mo nauna pang malaman ng buong mundo na ikinasal ka na kaysa sa akin." Sinalubong ko ng yakap si Criselle, tama siya kahit saan kami dinala ng kapalaran at th