Jilliane Miyerkules Naghahanda na ako para sa pagpasok sa school ng bigla akong magulat sa sunod-sunod na busina sa labas. Nasa sala na ako nuon at kukunin ko na lang sana ang backpack ko na nakapatong sa mahabang sofa, ng matigilan ako sa busina. Haisst! Sino ba naman yun kay aga-agang nambubulahaw? Bahagya akong tumungo para sumilip sa bintana, napanganga ako ng makita kung sino ang nasa labas ng aming tarangkahan, si Iñigo iyon na gwapong-gwapo sa suot na school uniform. Shems! Ang bilis ng t***k ng puso ko. Anong ginagawa niya dito? Miyerkules ngayon bukas pa dapat ang pasok ng T-Dragons. Dali-dali akong lumakad papuntang pinto, tumigil ako saglit at huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan iyon. "Hi!" Nakangiting bati sa akin ni Iñigo. Ha!ha!ha! Hind ko maiwasang m