Pag labas niya mula sa airport ng Manila, tumawag agad ng taxi si Simon. Tulala pa din siya habang nakatanaw sa lahat ng dinadaanan ng taxi. Naipit sila sa traffic at napahinto nang matagal ang taxi. Paglingon niya ay nasa tapat sila ng magkakatabing bar. Mabilis na nag-abot ng bayad si Simon sa taxi driver at umibis. Pumasok siya sa unang bar na nadaanan niya. Malakas ang tugtog pagpasok niya. Marami na ang mga tao dahil weekend iyon. Naupo lang si Simon sa may counter sa harap ng bartender at agad na umorder ng shot ng mamahaling whiskey. Isang tungga lang ni Simon ay nasaid ang laman ng baso. Makailang beses pa siyang umorder sa bar tender pero pakiramdam niya ay hindi siya malasing lasing. Tinawagan niya si Loida at pinapunta sa kinaroroonan niya. “Loids...punta ka dito. Hintayin ki