CHAPTER 6: THE BET

1487 Words
Nang gabing iyon bago matulog, bumabalik-balik sa alaala ni Catherine ang mga eksenang magkahawak kamay sila ni Grace at magkalapit sa sinehan. Napapangiti siya at hindi mapigil ang kilig na nararamdaman. Pero biglang sumingit sa alaala niya ang mukha ni Simon at ang napakalapit ng nguso nito sa nguso niya kanina. Biglang napadilat si Grace at napaupo mula sa pagkakahiga. Huh! Ano yun? Bakit ba ganun yung Simon na yun, masyadong papansin. Hmp. Baka akala naman nya type ko siya. Yukk...no way. Sakyan ko na nga lang yun para lalo akong mapalapit kay Grace. Kinabukasan sa lamesa, masayang nag-aalmusal sina Catherine. “Cath, malapit na nga pala ang enrolment mo. Sigurado ka na ba sa kursong kukunin mo?” Tanong ng nanay niya. “Opo, nay. Bata pa ako, gusto ko na po talagang maging teacher.” “Mabuti kung ganun. Sabihan mo na agad ako kung magkano ang kakailanganin natin. Medyo matumal ngayon ang pwesto ko sa palengke, sa mall na ata namimili lahat ng tao ngayon.” May puwesto ng mga tela at damit sa palengke ang nanay ni Catherine. Ito ang pinasok nitong negosyo mula noong iwan sila ng tatay nila. May amiga ito na may pwesto din sa palengke at inaya siyang magnegosyo na din. “Nay, huwag po kayong mag-alala, tutulungan ko kayo sa monthly tuition ni Cath.” Singit naman ng panganay na si Alex. “Ako naman nay huwag niyo na po akong alalahanin at nakakakuha na ako ng pambaon sa parttime job ko.” Sabi naman ni Alwyn, ang pangalawang anak na graduating na sa Maritime. “O e ikaw, Alvin, naghanap ka na din ba ng parttime job mo?” Tanong ng nanay nila sa bunsong si Alvin. “Maghahanap pa lang nay.” Sagot naman nito. “Nay, ano kaya kung maghanap din ako ng parttime job?” Tanong ni Catherine. Sabay-sabay na sumagot ang tatlong kuya. “Hindi!” “Ha? E bakit naman? Kayo ngang tatlo e pwede.” “Mag-aral ka nang mabuti, iyon ang atupagin mo.” Sagot ni Alex. “Dapat uwi agad pagkatapos ng klase.” Dagdag pa ni Alwyn, ang pinakamahigpit na kuya ni Catherine. “O makinig ka na lang ha, huwag na matigas ang ulo.” Sang-ayon naman ni Alvin. “Hay nako.” Napabuntong-hininga si Catherine. “Nay, pinagtutulungan na naman nila ako.” Maktol nito sa nanay nila. “Cath, makinig ka na lang sa mga kuya mo. Ayaw lang nila na mangyaring masama sa ‘yo, kaya dapat pagkagaling sa eskwela, uwi kaagad." Hindi na kumibo si Catherine. Itinuloy na lang ang pagkain. Ang mga kuya naman niya ay nagkukuwentuhan tungkol sa latest game ng basketball. Nakikisali din sa kuwentuhan ang nanay nila palibhasa ay may paborito din itong basketball team sa PBA. Hmp. Si nanay talaga, palagi na lang sina kuya ang kinakampihan. Nakaramdam ng pagtatampo si Catherine dahil alam niya na mas malapit ang nanay niya sa mga kuya niya, lalo na sa panganay na si Alex. Siya naman kasi ay ang pinakamalapit sa tatay nila. Kung nandito lang sana si tatay...Bigla na lang ipinilig ni Catherine ang ulo niya. Huh, bakit ko ba iniisip si tatay, hindi naman kami mahal nun. Pinagpalit nga kami nun sa babae niya. Tuluyan nang napasimangot si Catherine habang tinatapos ang pagkain. Nang araw na iyon ay nagpunta si Catherine sa Pamantasan ng Quezon. Doon siya magkokolehiyo, kasama pa din sina Grace at ang mga ka-tropa nila nung highschool. Apat sila sa grupo at lahat sila ay kursong education ang kukuhanin sa kolehiyo. Mag-isa lang na nagpunta si Catherine dahil ang sasadyain niya ay ang registrar. Mang-hihingi siya ng listahan ng bayarin para sa isang semestre para maibigay sa nanay niya. Habang bakasyon pa ay mapag-iipunan pa ito ng nanay niya. “Miss, pwede pong makahingi ng assessment para sa freshman?” Nakadungaw si Catherine sa window ng registrar. Ramdam niya na humampas sa mukha niya ang lamig ng aircon na galing sa loob ng opisina. Samantalang siya sa labas ay pawis na pawis dahil sa init ng panahon. “Anong kurso?” Sagot ng nasa loob. “BS Education, miss.” Agad na sagot ni Catherine. Saglit lang na naghintay si Catherine at may iniabot na agad na papel ang babae sa kaniya. Pagtalikod ni Catherine ay nagulat siya dahil papalapit si Grace at papunta din sa window ng registrar. “Oh, Grace!” Tuwang tuwa si Catherine pagkakita kay Grace. “O sabi ko na nandito ka, eh. Hindi mo sinasagot ang text ko. Dumaan ako sa inyo, sabi ng kuya mo nandito ka nga daw.” “Ah sorry, may text ka ba?” Inilabas ni Catherine ang cellphone mula sa bag. Nakita niya na may message nga si Grace. “Ah naku, pasensiya na, hindi ko lang narinig.” “Hinahanap ka nga namin kasi sina Ivy nandito din.” Ang tinutukoy ni Grace ay ang dalawa pa nilang tropa na sina Ivy at Melanie. “Oh, talaga!” Namilog din ang mata ni Catherine. Natuwa siya na kahit hindi nag-usap usap ay magkikita-kita sila doon. “Oo, nandoon lang sila malapit sa field. Puntahan natin mamaya, may kukunin lang din ako sa registrar. Pakihintay na lang ako dito Cath.” Mabilis na iniwan ni Grace si Catherine at lumapit na sa window. Lumakad na din papalayo si Catherine dahil naisip niyang maghintay sa malapit na bench para maupo. Kakaupo pa lang ni Catherine ay biglang may bumati na agad sa kaniya at naupo sa tabi niya. “Ang ganda ng school niyo no, ang laki!” Bungad ni Simon kay Catherine. Nagulat naman si Catherine at napalingon sa nagma-may-ari ng malaking boses at slang na slang na pagsasalita. Walang duda, alam na agad niya kung sino iyon. “Oh, Simon, andito ka din pala.” “Yup. Hinatak ako ni Grace, kasi kesa naman daw nakatambay lang ako sa bahay, samahan ko na lang daw siya.” “Ganun ba. Hindi kita napansin kanina.” “May nakita kasi akong restroom, dumaan muna ako dun.” “Ah, okay.” “Sabi ni Grace andito din daw yung ibang tropa niyo. Yung mga kasama niyo nung gabing nag-inuman kayo sa amin.” “Ah, oo. Sina Ivy at Melanie yun.” “Oh, huwag mong kakalimutan yung pustahan natin ha.” “Ha? Anong pustahan?” “Nakalimutan mo na agad?” Gulat na tanong ni Simon. Bigla namang naalala ni Catherine kung ano iyon. Agad na napatakip sa bibig si Catherine nang maalala ang pustahan. Na kapag isa sa mga tropa niya ay nabuntis sa loob ng sem na iyon, panalo siya. Kapag naman nakalagpas ang sem na iyon at walang nabuntis, panalo si Simon, at magiging sila na. Ha? Nakupo, baka maging kami, ah. Naku, naku, naku...ayokong ayoko pa naman sa hilaw na kano na ‘to. Napakunot ang noo ni Catherine sa naisip. “Oh, ano? Naalala mo na ano?” Tawa nang tawa si Simon. “Oh my, I’m excited. In 5 months, magiging tayo na, Cath.” Nilagkitan pa nito ang titig sa mga mata ni Catherine. “Yukk! Anong tayo? Walang tayo, tol! Maniwala ka sa akin. Maaga akong magnininang sa binyag dahil tiyak na isa sa kanila e manganganak na next year!” “Well...it’s too early to tell, Cath.” Winagayway pa ni Simon ang hintuturo niya sa harapan ng mukha ni Catherine. “Ah basta, basta. Walang tayo. Hindi magiging tayo!” Napasimangot naman si Catherine at nagkanda-haba ang nguso. Lalong naaliw si Simon sa kaniya. Gandang ganda si Simon kay Catherine kapag pinapa-pangit nito ang mukha niya. “Huwag mong gagawin yan...gumaganda ka lalo sa paningin ko. Baka di ko mapigilan ang sarili ko.” Ngumiti pa ng nakakaasar si Simon kay Catherine. Nahampas ni Catherine ang braso ni Simon sa asar niya. Ganoong eksena ang naabutan ni Grace sa kanila. “Wow, wow, wow. Ang sweet niyong tingnan grabe. Malayo pa lang ako rinig ko na ang harutan niyo.” Panunukso ni Grace sa dalawa. “Ha? Ano ka ba naman Grace, itong pinsan mo kasi, sabi ba naman...” Biglang kinabig ni Simon si Grace at tinakpan sa bibig. Nabigla si Catherine at hindi natuloy ang ikukuwento sana na tungkol sa pustahan nila. “Ah wala wala iyon cuz, sikreto na namin ni Cath yun.” Sabay pinandilatan niya si Catherine at inalis ang kamay na nakatakip sa bibig nito. Nakuha naman ni Catherine ang ibig niyang sabihin. “Ah, oo nga, wala iyon Grace. Amin na lang nga pala ni Simon yun.” Sang-ayon naman ni Catherine dahil kasama si Grace sa pimagpupustahan nila ni Simon. “Wow talaga? At ngayon may sikreto na kayong dalawa?” Natuwa naman si Grace sa kanila. Lalo nang mapansin niya na bagay naman ang dalawa. Nagkindatan na lang ang dalawa at niyaya na si Grace na puntahan sina Ivy at Melanie.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD