PARANG nawalan na ako tuloy gana kumain ngayon pero hindi ko hahayaan na sirain lang ng babaeng ‘yon ang araw ko. “Yucefina! Wait! Hintayin mo muna ako!” Narinig ko bigla ang sunod-sunod na sigaw ni Ysa sa aking likuran kaya saglit ko s’yang nilingon. Muntik ko na’ng makalimutan na may kasama pala ako ngayon. Nakita ko s’yang tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko pero hindi ko na binalingan ng tingin si Maica. Baka mag-eye contact ulit kami. “Parang mainit yata ang pinaguusapan n’yo, Yucefina ah. Ano ba ang sinabi sa ‘yo ni Miss Maica?” na-c-curious n’yang usal habang patungo na kami sa naka-bukas na elevator one para maka-balik na sa lungga namin. “Mamaya, may ikukuwento ako sa ‘yo. Pagdating natin sa department,” seryosong sambit ko sa kan’ya na agad naman akong sinangayunan. Na’n