YUCEFINA UM-ECHO sa aking tainga ang mga seryosong salitang mga binitawan n’ya habang titig na titig sa aking mga mata. Pakiramdam ko, para akong nabingi sa pagkabigla at dahan-dahan pang umawang ang aking bibig dahil hindi ko lubos maisip na ‘yon ang narinig ko! “O-Okay ka lang ba? Hindi ba nabagok ang ulo mo at ‘yan na ang mga pinagsasabi mo sa ‘kin?” Inilingan n’ya ako habang hinihimas aking mga pisngi at pabilis ng pabilis ang pag-t***k ng puso ko! Jusko! Logan! “No, I meant it. I really do… bakit, tatanggihan mo akong muli?” Tila may pagaalala n’yang tanong. Lumunok ako ng sariling laway para kumalma. “Hindi ako makakapayag na hindi ang isasagot mo sa akin ngayon, Yucefina. I want to make this right, I don’t want to be a typical baby maker but your…” Napa-bitaw s’ya sa pagkakaha