NATIGILAN ako sa narinig ko mula sa kan’ya. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang kan’yang babanggitin at akala ko, narito na naman s’ya para sirain ‘tong araw ko. Napa-hinga ng malalim si Logan sa aking tabi. “You have a thicker face than I have thought. May mukha ka pang mag-pakita sa akin kahit binantaan na kita, Maica,” seryosong sambit ni Logan sabay kinapitan ang aking kaliwang palad at lumakad papunta sa kan’ya. Huminto kami sa kabilang sofa habang tinititigan ni Maica si Logan sa mapa-kumbabang paraan. Nauna akong umupo at ganu’n din agad ang kan’yang ginawa. “Dumating na pala kayo. Mag-usap lang kayo rito ha? Magluluto lang ako.” Nakita kong lumabas si Tatay mula sa kusina at may kapit-kapit s’yang tray na naglalamang malamig na orange juice. Isa-isa n’yang nilapag ang mga baso sa