NANIGAS ako sa aking p’westo habang naguumpisang nangatog ang aking lalamunan. Napa-pikit pa ako ng mariin na’ng biglang tumikhim ang Mama ni Logan habang naka-talikod ako sa kan’ya. “Logan, son… we have to talk…” Unti-unti akong napa-ngiwi na dinapuan na naman akong naguumapaw na samo’t saring kahihiyan. Sunod kong narinig ang mabibilis na mga tunog ng heels papunta sa pintuan nitong k’warto. Napa-igtad pa ako na’ng pabagsak pa na sumara ‘yon. Napa-yuko ako at unti-unti kong nararamdaman ang ginaw na nanunuot sa aking balat. Nanatili akong ganu’n lang pero napansin kong nilapitan ako ni Logan at huminto pa s’ya sa likod ko. “Stay here and I will speak with her,” marahang sambit n’ya at naramdaman kong may nilapag s’yang mainit na towel sa nilalamig na likod ko. “Take a bath, don’t wor