PAGKATAPOS kong banggitin ang mga salitang ‘yon, tumalikod na agad ako at mabilis na nag-lakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Namimigat ang paghinga ko habang unti-unti akong pinagpapawisan. Naririnig ko pa ang maririin n’yang mura pero wala na akong pakealam. Na’ng maka-pasok na ako sa loob ng elevator, padiin kong pinindot ang floor 3 button at bago pa tuluyang sumara ang pintuan, nahagip ko pa s’ya ng tingin. Nginisihan ko pa s’ya kahit nanlilisik ang kan’yang mga mata. Humupa ang ngisi ko na’ng nawala na s’ya sa paningin ko. “Putek na ‘yan. Ang tigas din ng ulo n’ya,” mariing usal ko sabay hinimas-himas ang noo kong pinanggamit ko para ibunggo sa matigas n’yang bungo. Hinintay kong bumukas ulit ang elevator habang hinihimas ko pa rin ‘tong noo ko. Wala pa namang bukol. Mas s