NAPA-AWANG ang bibig ko sa narinig ko mula sa kan’ya. “A-Anong fired?” seryosong usal ko pero wala na s’yang sinabi pa at nagpatuloy na sila sa pag-hakbang. “Teka! Hindi mo ba ako haharapin ngayon ha?!” sigaw ko dahil hindi na ako humabol pa. “Ah, ganito ang gusto mo?! Ipagkakalat ko talaga na baog ka Logan! Ang kapal ng apog mong iignore ako ngayon pagkatapos ng pangiiscam mo sa ‘kin!” hiyaw ko na hindi ko inasahang napa-hinto s’ya sa paglalakad at nakita kong may sinabi s’ya sa lalakeng kasama n’ya. Tumango-tango pa ito at humarap sabay nag-lakad pabalik sa kinaroroonan ko. “Miss, do you know him?” unang tanong n’ya sa ‘kin sabay huminto sa aking harapan. “Oo. Kilalang-kilala ko ‘yan. May atraso s’ya sa ‘kin na kinakailangan n’yang malaman,” seryosong tugon ko sa pormal na paraan.