MAGING s’ya ay nakita kong nabigla rin s’ya na’ng makita ako. “Oh, I think magkakilala na kayo, Miss Glamora?” pormal pa na tanong ni Miss Ac. Mabilis akong tumikhim sabay iniwas ko ang aking tingin sa lalakeng ‘to dahil ilang segundo ko s’yang kinikilatis na ganu’n din ang kan’yang ginagawa sa ‘kin. “I will leave him to you. Have a good time, guys.” At tinalikuran na kami ni Miss Ac. Nag-lakad na s’ya papuntang elevator kaya huminga ako ng malalim bago ko ulit binalingan ng tingin ang taong sumagip sa buhay ko kahapon. Med’yo nakakailang. He was looking at me in dead eyes. Gan’yan na gan’yan din ang kondis’yon ng mga mata n’ya kahapon. “Y-You are that guy from yesterday right?” magalang kong tanong dahil parang mas matanda kasi s’ya sa ‘kin. Ito na yata ang pagkakataon ko para mag-pasa