YUCEFINA HABANG naka-tayo sa harapan ng Logan na ‘to, hindi ko talaga mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak n’ya ngayon! Lalo na nu’ng nginisihan n’ya na naman ako ng nakakakilabot! Alam ko sa sarili ko na hindi s’ya naligaw, kusa n’ya akong pinuntahan dito tapos akala ko kung ano na… tatanungin n’ya lang pala ako sa pinagusapan naming kanina! Tigang na tigang?! Tinanong pa ako kung saan ako galing, kahit nga Tatay ko hindi ako sinasabihan ng gan’yan. “Are you with someone earlir by any chance?” pormal n’yang tanong sa ‘kin at hiningahan ko s’ya ng marahas. Mukhang matatagalan pa s’ya rito kaya pabagsak akong umupo sa sofa. Napa-baba rin ang kan’yang tingin dahil pantay na kaming dalawa ngayon. “Kung may kasama man ako kanina, ano naman ngayon? May problema po ba ro’n?” magalang kong t