PAGKATAPOS ng awkward conversation na ‘yon, wala na ni isang nag-salita sa ‘min. Hindi na rin ako nag-open ng topic pa dahil sino ba naman ako para gawin ‘yon. Tahimik kong inuubos ang pagkain ko. Tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig ko sa buong dining room hanggang sa natapos na rin ako sa wakas. “Thank you for the meal. P’wede na po ba akong umalis, Sir Logan?” magalang kong tanong sabay tumayo sa pagkakaupo. Hindi n’ya ako tinitigan dahil patuloy lang ang pag-subo n’ya. “My driver is waiting outside. He will drive you home,” pormal n’yang usal na ikinatango ko naman agad. Mabuti na lang may maghahatid sa ‘kin para makakatipid pa sa pamasahe. “Maraming salamat po sa lahat,” magalang ko pang usal sabay yumuko sa kan’yang harapan. Tinitigan ko pa s’ya sa huling pagkakataon dahil hi