“MAMAYANG break time ha. Pupunta tayo sa malapit na mall para mabilis lang tayo makakabalik,” paalala ko kay Ysa habang naka-upo na kami sa kan’ya-kan’yang swivel chair dito sa loob ng designing department namin. Na’ng matapos kasi ang short meeting na ‘yon, dumereto na agad kami rito dahil sunod na ang publicist and literary agent department. Kotang-kota si Logan nito dahil ang dami namin at s’yempre, marami s’yang matatanggap na regalo. For appreciation lang ‘to pero parang birthday na n’ya. Sa bagay, sa ganda ng feedbacks ng pasweldo pati benefits kagaya ng sinabi ni Miss Ac kanina, mukhang deserve n’ya makatanggap ng gift. Hinintay lang namin ni Ysa ang oras ng breaktime at na’ng dumating na nga ang pagkakataong ‘yon, lumabas na kami sa building kahit walang bihis-bihis. Bumiyahe ka