NAPA-HINTO ako sa pag-atras na’ng marinig ang mga salitang noon ko pa sana gusto marinig pero parang wala yata s’yang planong tumigil sa pag hakbang na tila gusto n’yang marating ang kinatatayuan ko. “T-Teka-teka! Mag-hunos dili nga kayo!” natatarantang sigaw ko sabay ini-wasiwas pa ang mag kabila kong naka-angat na mga kamay sa kan’yang harapan. Doon na s’ya napa-hinto pero ang lapit-lapit lang n’ya sa ‘kin, siguro mga isang konting hakbang lang. “Wait lang, pinagpapawisan na ako sa inyo ‘e! Ano bang nangyari sa inyo at nagkakaganyan kayo? Okay ka lang ba? Hindi ba nabagok ‘yang bungo n’yo?” walang preno-prenong tanong ko pero nandoon pa rin ang paggalang para hindi naman pangit pakinggan. Nilalabasan ako ng pawis sa katawan dahil sa mga naririnig ko ‘e. Huminga muna ako ng malalim par