CHAPTER 8

1389 Words
LEVI POV “DADDY, do you hear us?” Nagulat ako nang kalabitin ako ni Lauren nang paulit—ulit. “Yes, I heard what you said, Lauren and Cameron,” mabilis na sabi ko sa kanya. “Search for ate Calil, dad, ha?” madiin na sabi ni Lauren sa akin. “Of course, hahanapin natin ang ate Calil ninyo—” “No, donʼt say ate Calil anymore, dad. Sheʼs gonna be our mom! We want her to be our mom!” Nagulat ako nang biglang sumigaw si Lauren kaya. Tumango—tango ako sa kanyang sinabi. “Mommy agad? Kanina pa nila paulit—ulit na sinasabi na they want to become a mommy ang Calil na iyon,” sabi ko sa kanila. “Basta we want her to be our mom, dad!” Nakita ko ang mukha niyang naninigurado sa akin habang nakatingin ang mga mata ni Lauren sa akin. “Sir Levi, dumating na ang mga damit ng kambal.” Nawala ang tingin ko sa kambal at tumingin kay Dino. Nakita ko ang dala niyang mga damit. “Daddy, can we change our clothes? Itʼs dirty!” matinis na sabi ni Lauren sa akin at tinignan ang kanyang suot. “Sure, my baby girl. Kaya nagpabili na ako ng new clothes ninyong dalawa and we eat in your favorite restaurant, okay?” sabi ko sa kanilang dalawa at hinaplos ang kanilang mukha. Binigay na sa amin ni Dino ang clothes at pinalitan ko na sila damit in private room. “Iʼm so stinky, daddy. I want to bath!” malakas na sabi ni Lauren. “I know, my baby girl.” sabi ko sa kanila. “Just stay here first, okay? Iʼll need to talk to chief here about kay Calil na sinasabi ninyo, okay?” sabi ko sa kanila. Tinignan nila ako and tumango sa akin. “Okay, dad! We gonna play here first. Iʼll take care Lauren first,” sabi ni Cameron sa akin. Hinawakan ko ang kanyang buhok. “Thanks, buddy! Iʼll be back again.” sabi ko sa kanila at lumakad ako palabas. Matapos kong makalma sina Cameron and Lauren ay binigay ko si Dino ang kambal at ako naman ay lumakad palapit sa Chief ng Pureza Police Station “Good afternoon, Chief. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng nagligtas sa mga anak ko?” baritonong sabi ko sa kanya. Nakipag—kamay siya sa akin at tumàngo sa akin. “Actually, Sir Parker, college student po siya,” kalmadong sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. “College student?” Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Tumango siya sa akin. “Yes, Sir Parker.” “College student, ha? Whatʼs university?” I asked him. Napatingin siya sa gilid na pulis. “Siya ang nakakita sa college student na nakahanap sa twins ninyo.” Nakita kong lumakad paharap ang isang Pulis. “Ano ang nakausap niya... Base sa logo na nakita ko sa kanyang uniform. Student siya ng Maravilla University,” sabi niya sa akin. Bahagyang natigilan ako sa kanyang sinabi. “Maravilla University... Huh?” “Yes, Sir Parker. Malapit lang dito ang university na iyon.” Ang mismong university kung saan ako nag—aral at kung saan ay magsisimula akong magturo bilang substitute Professor sa susunod na linggo. Kailangang umalis ni Hanzel pa—ibang bansa, kaya ako muna ang papalit sa kanya ng isang linggo lang naman or more hanggang bumalik ang isang iyon. Heʼs my best friend. “Do you know her name?” tanong ko sa kanya. Tinignan ako ni Chief at umiling. “Unfortunately, Sir Parker, hindi po namin nakuha ang buong pangalan niya except sa binanggit niyang Calil bago siya umuwi. Naalala po kasi ng kambal ninyong anak na tanungin siya about sa kanyang pangalan, pero iyon nga lang ang sinagot niya sa amin,” paliwanag niya sa akin. Hindi ko napigilang kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. “Bakit?” “Nagmamadali po kasi siyang umalis, Sir Parker.” Lalong nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “May major examination daw po siya, iyon ang sinabi niya sa akin.” sabi niya muli. Napailing na lang ako habang napabuntong—hininga muli. “Kahit reward ay hindi na niya hinintay...” Nakatingin ako kay Chief at biglang naalala ko ang tungkol doon. “Chief, alam ba niya ang tungkol sa rewards na matanggap niya?” tanong ko sa kanya. Napahawak siya sa kanyang ulo. “Nasabi ko ang tungkol doon, Sir Parker. Pero, hindi siya sumagot at iyon ang sinabi sa amin na nagmamadali na raw siya.” “So, hindi niya alam ang tungkol sa rewards?” Nagkibit—balikat si Chief sa akin. “Hindi ko ho masasagot niyan, Sir Parker.” Kung alam man niya ang tungkol sa reward, I ibig sabihin ay hindi niya ginawa ang pagtulong sa kambal para sa pera lamang. Ginawa niya iyon dahil gusto niyang tumulong. Ganoʼn ba? “Chief, ano ang itsura niya?” tanong ko muli sa kanya. Nakita ko ang malalim niyang pag—iisip. “Maganda ang mukha niya, Sir Parker.” “Maamo.” “Hindi lang iyon, may kahabaan din ang buhok niya.” Naghintay ako sa kanya dahil mukhang may sasabihin pa siya. “Naka—university uniform siya...” Huminga siya nang malalim. “Hindi lang iyon, mukha rin siyang mahiyain. Halatang kinakabahan habang kausap kami.” dagdag na sabi ni Chief. “Ay, totoo iyon, Sir Parker. Nang makausap ko siya ay hindi siya makatingin sa akin. Ang mga mata niya ay nakatingin sa ibaba at kung minsan ay nasa anak ninyo na lamang po. Kaya hindi ko rin masyadong nakita nang matagal ang mukha niya. Sobrang mailap siyang babae,” sabi ng Pulis na siyang nakausap ng babaeng sinasabing Calil. “Kung hahanapin ninyo siya—” Hindi natapos ni Chief ang kanyang sasabihin nang biglang lumapit sina Cameron at Laure sa akin. “Daddy!” Nagulat ako nang tumakbo si Lauren sa akin. “I heard po you are talking with ate Calil?” tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Chief at bumalik ang tingin kay Lauren. “Yes, we are talking about her. I want to know about her more because niligtas niya kayong dalawa,” mahinahon na sabi ko sa kanya. “Ah!” Narinig ko ang malakas na sabi ni Cameron. “Thatʼs correct, daddy! Iyon po si ate Calil! Lahat ng heard ko earlier... Thatʼs her! Sheʼs super pretty!” malakas na sabi ni Lauren at kinarga ko siya. I donʼt f**king care kung maipasa sa aking kanyang amoy sa suot kong business attire Nakita kong umiling ang Police Chief sa amin. “Sir Parker, ang totoo niyan... Hindi po namin alam kung Calil talaga ang pangalan niya,” sabi niya sa akin. Napahinto ako sa aking iniisip at tinignan si Chief. “What do you mean?” takang tanong ko. “Ano kasi, Sir Parker... Mali lang yata ang pagkarinig ng mga bata. Pagkasigaw kasi ng babae ay biglang nagkaroon ng announcement sa buong Police Station at eksaktong nasabi ng Police Officer namin ang name niya... May Khalil po kaming kabaro rito, Sir Parker,” paliwanag niya sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi at mahina akong natawa. Sh*t, mahihirapan yata ako rito. “Daddy, why are you laughing?” Hinawakan ni Lauren ang aming bibig kaya hinaplos ko na lang ang buhok niya. “That explains it.” Muli akong humarap sa police chief. “Chief.” Inabot ko ang isa sa business card ko. “Nandito ang personal number ko... Kapag bumalik ang babaeng iyon... Please contact me immediately.” sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang business card ko. “I want to thank her personally... At ibibigay ko rin ang reward na ipinangako ko.” dagdag na sabi ko. Tinignan niya iyon. “Donʼt worry, Sir Parker. Weʼll contact you immediately once na magkaroon na kami ng contact with her. Thank you,” sabi niya sa akin. Nakipag—kamay ako sa kanya. Kailangan ko na lang maghintay na makita ang babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD