“SAAN tayo pupunta?” tanong ni Blythe habang naglalakad sila ni Lawrence sa kagubatan. He was in his wolf form, and she was riding on his back. “It’s a surprise.” Napailing na lang si Blythe at hindi na nagtanong. Hinayaan na lamang niya si Lawrence na dalhin siya kung saan. Nakalayo na sila sa palasyo at wala siyang alam kung saan siya balak dalhin ng binata pero may tiwala naman siya rito. Pagkatapos ng halos fifteen minutes, tumigil si Lawrence sa paglalakad. Bumaba naman si Blythe at napatingin sa buong paligid. Wala siyang ibang makita kundi naglalakihang mga puno. “Wait for me.” Tumingin na lang si Blythe sa anyong-lobo ni Lawrence. Pumunta ito sa likuran ng isang puno at pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ito. Lawrence was now back in his human form. Ngumiti si Lawrence nang