BLYTHE STILLED when she felt Faye being stabbed in her heart. “Faye!” Lawrence heard his mate and saw what had happened. “Faye… Faye…” sinalo ni Blythe ang katawan ni Faye. Ngumiti si Faye. “A-ang tanging misyon k-ko…lamang ay protektahan ka. Ngayon na nagawa ko na ang misyon ko, panahon na upang bumalik ako mundo kung saan ako nagmula. Tapos na ang misyon ko, Blythe.” Umiling si Blythe. “Faye, huwag mo akong iwan.” Tumulo ang luha niya. Faye smiled. “Hindi ko rin gusto na iwan ka pero palayain mo na ako, Blythe. Ako ang tagapangalaga mo at ngayon na tapos na ang misyon ko. A-alam kong kahit wala na a-ako sa tabi…mo. M-may magpoprotekta sa ‘yo at mamahalin ka.” Lawrence created a barrier protecting Blythe, who was focused on Faye. Mabilis niyang nilapitan si Blythe at dinamayan ito.