KUNG may hihilingin man si Lawrence sa Moon Goddess bukod sa makasama niya ang mate niya habang buhay, iyon ay magkaroon ng simpleng buhay. Iyon bang gigising ka sa tabi ng mahal mo at makasama mo siya kakain sa hapagkainan. Hindi ‘yong pag-upo niya pa lang sa kaniyang swivel chair maraming trabaho agad ang aatupagin niya. Lawrence could only massage his temple by looking at the piled-up reports from different packs, reports from anonymous person, and several documents from the Everson Empire. He stared at the piled-up works in front of him. Sanay na siyang maraming ginagawa at dumarating na trabaho pero parang nanibago siya sa araw na ‘to dahil sa mukhang mas marami kaysa dati ang kailangan niyang tapusin sa araw na ‘to. “Your Majesty, are you okay?” tanong ni Cade. Lawrence glared at