“ANONG sinabi mo? May dugong bampira ang reyna ng mga lobo?” nasurpresang saad ni Sebastian nang sabihin sa kaniya ng tauhan na kakabalik lang mula sa mundo ng mga tao. Tumango ang tauhan ni Sebastian. “At ayon pa sa narinig ko, kamahalan, isa siyang Hybrid. Isang Hybrid na may tatlong uri ng dugo ang nananalaytay sa kaniyang mga ugat. At nasa kamay na rin niya ang Golden Sword.” Mas lalo pang nasurpresa si Sebastian. “Hybrid?” tanong niya. Tumango ang tauhan ni Sebastian. Hindi naman makapaniwala si Sebastian na may isang Hybrid ang lilitaw na may tatlong uri ng dugo ang nananalaytay sa kaniyang mga ugat. Napaisip siya. Ito ba ang dahilan kung bakit pumunta si Aquiles sa mundo ng mga tao? “Nalaman mo ba kung nasaan si Aquiles?” Muling tumango ang tauhan. “Nasa palasyo siya, kamahala