AUDREY "Bilisan mo sa pagtakbo Saiiiiiii!" I said habang daig pa ang kabayo sa pagtakbo. Hinahabol kasi kami ngayon ng isang balete. Oo balete po! Kasi naman akala namin sa mga tao lang napunta ang mga piraso ng cores, pero watdahek! Pati rin pala sa mga halaman? "Audreeyyyy.. Beb hintaaaay!" Sai said while running. Hindi ko talaga siya hinintay baka maabutan na kami ng balete. (Oh diba? May pasabi-sabi pa kayong walang iwanan, pero kapag may habulan, ambilis niyong kinakalimutan ang mga pangakong binitiwan!) Kung ilalarawan ko ang baleteng humahabol sa amin ay kasinlaki ito ng narra, may mga sanga itong humahaba at ugat na nagsisilbing paa. Juicecolored! Ang sayang nararamdaman namin ni Beb kanina ay napalitan ng inis at pangamba, nag-eenjoy pa naman kami sa pamamasyal rito sa Davao
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books