Chapter 84 MICO'S POV Nag lalakad si Mico sa Mall at bitbit ang ilang paper-bag na kaniyang pinamili na pasalubong. Plano niya kasi na puntahan at dalawin ang kaniyang mga magulang. Nitong mga naka-raang araw, naka-tutok siya sa pinapatayo niyang business na matagal niya nang pangarap, kaya't wala na siyang panahon para dalawin ang mga ito. Sabik na si Mico dahil sa susunod na linggo na ang pag-bubukas ng kaniyang negosyo sa publiko, kahit masama pa din ang loob ng kaniyang Ama dahil iyon ang pinili kong gawin, kaysa mamahala ng kanilang kompaniya. "Mico, kaylan mo ba kami dadalawin ng Daddy mo? Buwan na ang naka-lipas simula no'ng dumalaw ka sa amin." Panimula ng kaniyang Mama sa kabilang linya. Nag lalakad si Mico, habang kausap pa rin ito. "Bihira na nga lang tumawag ang kapatid m