Chapter 64 LARA'S POV "Itang, nandito na po ako." Patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ni Lara at hinawakan ang mukha ng Itang na may bahid din nang lungkot at pag-kasabik na makita ako. Lalo pang tumanda ang itsura ni Itang at bakas na rin ang kulubot ng balat at kahit buhok nito may bakas na rin ng puti. May kong anong kirot sa puso ni Lara na makita ngayon ang kalagayan ng Itang. Galit ako sa aking sarili dahil iniwan ko ito at hindi man lang ako nag-paalam na matatagalan ako bago bumalik. "L-Lar---Ahm. L-Lar----" hirap nitong tinig at pilit na bini-bigkas ang aking pangalan. Hindi rin maayos ang pananalita at hirap din ang gumalaw si Itang. Tinignan ni Lara si Auntie Cecelia na naka-tayo lamang sa isang tabi at pina-panuod kami mag-Ama. May bakas rin ng luha ang mata nito at ga