CHAPTER 95 LAURA'S POV "Halika dito, Hunter." Tawag ni Laura sa anak at sumiksik pa lalo ito sa likuran na ayaw umalis. "N-No, you're gonna hurt me again po Mommy." Sabay iling. "Napaka-tigas naman talaga nang ulo mo ano? Gusto mo talagang matamaan sa akin!" Sumugod si Laura para kunin ang anak–natigilan na naman siya muli ng humarang si Lara sa aking dinaraanan. Malamig at walang emosyon ang mata nito–na hudyat kailangan akong huminto. "Tama na Ate, kaya lalong natatakot sa'yo ang anak mo." "Huwag kang makialam dito Lara!" Sabay duro dito. Nangangalaiti na rin siyang saktan ito– para saan pa na uubusin ko ang lakas para patulan lamang ito. "Pati ba naman dito makikialam ka? Una inagaw mo na sa akin si Calix pati ba naman atensyon at pag mamahal ng anak ko, aagawin mo na naman muli