Chapter 76 CALIX'S POV "Laura!" Puno ng gigil ni Calix na hindi inaalis ang tingin kay Laura. "Calix," lumawak ang ngiti sa labi ni Laura. "Bitawan niyo nga ang kamay ko," inis nitong tinabig ang kamay ng mga tauhan kong naka-hawak sa pulsuhan nito para lamang pigilan ito. Tangka muling lalapit ang mga tauhan ni Calix sa gawi ni Laura–at sinenyasan ko itong umalis muna. Nag vow lamang ang katiwalang tauhan ni Calix at pumwesto na tumayo sa isang dako, na malayo sakanila ng konti. "Anong ginagawa mo dito?" Pinadaanan lamang ng tingin ni Calix ang dalawang bata sa tabi ni Laura, tahimik at pinapanuod lamang ang nangyayari. "Tumawag ka sa akin kanina para kanina ipamalita ang result ng DNA, so nag decide ako na babalik kami ng mga bata dito sa Mansyon." "Talaga ba?" Ngumisi na lang