Chapter 78 LARA'S POV Dumaan si Lara sa kusina–tumitingin sa abalang mga katulong sa kusina. "May kailangan ba kayo Mam Lara?" Tanong ng katulong, ng mapansin nito na kanina pa siya naroon. "Wala naman, asan ba ang kambal?" "Naroon po sila sa likod at nag swimming po, Mam Lara." Magalang na pananalita nito at ang kamay nasa harapan. "Bantayan mo sila sa kanilang pag-liligo at baka madulas sila kapag nag habulan sila sa gilid nang pool." Paalala ni Lara dito. "At hatidan mo na rin sila ng meryenda, at baka nagugutom na sila." "Yes po Mam." Nag vow na lang ang katulong at sabay ngiti ng matamis. Nag lakad na si Lara palabas ng kusina at pinapadaanan lamang ng tingin ang katulong na nag-lilinis. Nakita ni Lara si Manang na hawak-hawak nito ang red rosses na pinadala sakaniya ni Calix.