Chapter 69 MAYUMI'S POV Hinawi ni Mayumi ang mahaba at itim na buhok. Rinig na rinig mo ang tunog ng mataas at kulay pulang takong na peep toe heels. Suot ni Mayumi ang kulay violet na tube top at mini skirt na tumingkad ang maputi at makinis nitong kutis. Sa kaliwang kamay, maarting naka-sabit ang chanel bag at suot rin ang itim na shades, na akala nito na nasisikatan pa nang araw sa loob. Taas-noong nag lakad at nilalampasan ni Mayumi ang mga empleyado na maka-salubong ito sa hallway. Inirapan niya ito sa lagkit at hindi maalis ang tingin nila sa kaniya. "Good morning Mam Mayumi," tumayo at bati ng secretary ni Calix. "Nariyan ba si Kuya Calix?" "Oo, Mam pero kasalukuyan siya ngayon na may kausap sa Opisina." Hindi na pinansin pa ni Mayumi ang sinabi nito at dire-diretsong p