Chapter 61 LARA'S POV Dapit alas otso pa lang ng umaga, mag-kasamang nag-lalakad si Lara at Calix sa buhanginan. Mataas na ang sinag ng araw at hindi gaanong mainit sa balat dahil napapalibutan ng matataas ng kahoy at masarap ang simo'y ng hangin. Matapos naming kumain ng almusal ni Calix, niyaya akong mamasyal nito at hindi na ako naka-tanggi pa. "Saan pa ba tayo pupunta Calix?" "You'll see, when we get there," gusto ko man mag-maktol sa naging sagot nito ngunit mas pinili ko na lang manahimik. Bakit napaka-hirap para sakaniya na sagutin ang tanong ko? "Sabihin mo na kasi. Malayo pa ba?" Pangungulit ko dito dahil kanina pa kami nag lalakad sa kawalan. Kahit anong pang-kukumbinsi kong aminin nito kong saan kami pupunta ngunit naging tikom ang bibig nito. "Saan ba kasi?" Nag-kibit ba