Chapter 86 LAURA'S POV Pikit-mata na dinarama ni Laura ang magandang tunog na piano na kaniyang pina-kikinggan. Sumasabay pa ang kamay na ginagalaw na sinasabayan ang ritmo ng tugtog na nag mumula sa malawak na silid. Sabay ang pag pindot sa maling key sa piano kaya't nasira ang magandang tugtog–na mapa-mulat si Laura ng mata. "Ano ba Hayden! Ayusin mo naman!" Sita ni Laura sa anak ng mapindot na naman muli nito ang maling keys kaya't nakagawa iyon ng malagong at hindi magandang tunog. Yumuko naman ang takot na takot na si Hayden sa Ina. Samantala naman si Laura hindi na maipinta ang galit sa mata nito na pinag-mamasdan ang kaniyang anak na naka-upo sa upuan at tinugtog ang malaking piano sa harapan. "I'm so sorry po Mommy," hindi magawag tignan sa mata ni Hayden ang Ina–lingid sa ka