Kaba, excitement, saya at takot. Iilan lang 'yan sa nararamdaman ng binata ngayong araw ng kasal nila ng kaniyang babaeng pinakamamahal. Kanina pa s'ya humihinga ng malalim habang nagpalibot-libot sa kaniyang dressing room dito sa resort in Davao. Kinakabahan talaga s'ya at mas lalong dumadagdag ang kaba n'ya sa tuwing gumagalaw ang kamay ng orasan na kanina pa rin n'ya pinagmamasdan every freaking minute. "Bro, seriously, kung hindi ka pa titigil sa paglalakad diyan, baka tuluyan na akong mahilo sa 'yo. Relax! Darating din ang beautiful bride mo." Thor sighed. He's exhausted at seeing his brother pacing back and forth for the past two hours. "Can't blame me, bro. Two weeks ko siyang hindi nakikita. What do you expect? Paano kung nagbago ang isipan niyang pakasalan ako? Paano kung hindi