"Parrot, abot mo nga iyong t-shirt ko." Utos ng nagbibihis na bachelor sa dalagang naniningkit ang mga mata. Paano ay aabutin na nga lang sa kama ang t-shirt nito, ipapakuha pa sa kanya. Tahimik namang kinuha iyon ni Yumi saka inabot sa boss n'ya na hindi tumitingin rito. Actually, kanina pa siya naririto sa silid ng binata dahil napakadaming inuutos ng kaniyang boss na animo ay baldado. Kulang na lang kasi ay i-utos nito sa kanya na s'ya ang magsuot ng boxers ng binata. Loki raised an eyebrow. Bakit kaya hindi ako pinapansin nito? Ani ng binata sa kaniyang sarili. Kanina pa ako dinededma nito ah? May nagawa ba ako? Patuloy na pag-iisip ng binata habang ninanakawan ng tingin ang tahimik na dalaga na ngayon ay nasa gilid ng pinto. Yumi looked like a servant to her king. Hmm, baka naga