"Hulaan ko ulit no? Wala na naman customer niyan sa Ek." sarkastikong sambit ng dalaga sa binata nang nasa loob na sila ng mamahaling limousine ng binata at kasalukuyan silang nagbya-byahe papunta sa Enchanted Kingdom. Ang mga bata ay tulog na tulog dahil sa pagod sa paglalaro at sa sobrang kabusugan. "Nope." Loki answered, popping the letter 'P'. Tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga. "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Nagoyo mo na ako dati." She turned her back on him then closed her eyes. Matutulog na lang s'ya kaysa makipagkwentuhan sa boss n'ya. "Nagagalit ka ba whenever I do that?" Kunot ang noong tanong ng binata sa nakatalikod na dalaga. Yumi opened her eyes then puffed a loud sigh. "Hindi. Pero kasi hindi mo naman kailangang gawin iyon," sagot ng dalaga saka hinarap muli ang kani