Kinabukasan, maaga pa lang ay naghanda na para sa unang araw ng trabaho si Allyson. Pinili niya ang pinaka-maayos niyang kasuotan na aangkop bilang isang sekretarya. Napili niya ang isang blouse na tinernuhan niya ng isang skirt na abot hanggang taas ng tuhod niya. 'Yon na ang nasuot niya dahil wala naman siyang gaanong pormal na kasuotan. Hindi pa naman siya nakakapasok sa malalaking kompanya at ngayon nga ang magiging unang beses niya. Naglagay din siya ng manipis na make up para naman magmukha siyang presentable sa magiging boss niya. Hinayaan niya lang na nakalugay ang kanyang mahaba at alon-alon na buhok. Napangiti na lang siya nang makita niya ang repleksyon sa salamin. Kahit papaano naman ay nagmukha siyang presentable dahil sa hindi naman sa pagmamayabang ay may hitsura rin na

