RC ll. NAPANGITI siya ng makita ang kulay kamatis na mukha ni Isabella. Muntik na siyang makalimot hindi niya pinangarap magkaroon ng intimate sa babaeng kasapi ng organisasyon. Isa pa ay ayaw na niyang maulit ang nangyari noon. Baka sa pangalawang pagkakamali ay makabuntis na naman siya. "Where is Dra. Lewis?" "Wala siya umalis kaninang pang madaling araw." Sa sinabing yon ni Dr. Alliman ay nakaramdam siya ng galit. Kaya tinalikuran ang kausap at umalis. Hinanap ang ama at naroon ito sa dalampasigan kasama ang kanyang ina. Ayaw niyang istorbohin ang mga ito dahil sa kasiyahang nakikita niya sa mukha ng mga magulang. Kaya nakontento na lamang nakamasid. At sa mabagal na paglalakad ay bumalik sa isipan ang nangyari ilang araw na ang nakalipas. Talagang tinutoo ng babaeng yon ang pag-ali