NICA POV. ARAW ng exhibit ko dito sa Paris, at kasalukuyang narito ako sa Twin’s Mansion Montemayor. Ngunit hanggang sa mga oras na yon ay hindi pa man lang ako makapag handa. Iniisip ko kung itutuloy ko pa rin ba o hindi na. Pero kung hindi ay siguradong maraming taong madidismaya. Matagal nilang hinintay ang exhibit kong ito. Isa pa pagkatapos ay susunod na exhibit ay sa England at US. Kaya lang mas’ gusto kong manatili na lang ako sa pagkakahiga habang nakatingin sa painting ni Raven. Sa totoo lang ay wala na talaga akong gana. Pakiramdam ko din ay hindi mananalo ang obra ko. Bumangon ako ngunit agad ding binagsak ang aking katawan pabalik sa malambot na kama at tumitig ako sa kisame. Hindi ko mapigilan ay napaiyak na ako. Ang buong akala ko ay magkasama kaming dalawa. Umasa akong sab