NICA POV. NAKATULOG ako pagkatapos ng mga nangyari. Hindi ko na rin namamalayan kung ilang oras akong tulog. Kundi pa ako ginising ni Raven ay mananatili ako sa higaan. At nang tuluyang maging malinaw sa aking isipan ang lahat ay agad akong tumayo mula sa higaan. Subalit bigla din napabalik ng maramdaman ang lamig sa aking katawan. Kaya naman pala ay wala akong suot na damit. Nahila ko ang comforter at nagtalukbong ako. Nasaan ba ang aking damit bakit wala sa higaan at saan kaya nilagay ng lalaking ito? “Ahm, R-Raven, iyong mga kasuotan ko nasaan?” “Ayon sa upuan doon ko nilagay, kumusta nakatulog ka ba ng maayos?” “A-Ayos naman, kaya mo na bang tumayo at pakiabot naman sa akin ang mga damit ko.” “Namamaga ang hita ko at hindi ko na masyadong magalaw siguro dahil sobrang na pwersa. At