ISABELLA NAKAYUKO lamang siya habang nagtatalo si RC ll at ama nitong si Tito Raven. Paminsan minsan ay sinusulyapan niya si Brianna. Nakikita niyang naiiyak na ito dahil nakikitang galit na galit ang ama. Hindi naman siya makatayo upang puntahan ito dahil baka pati siya ay madamay sa galit ng binata. Kaya ng sila na lamang ang naiwan ay mabilis siyang tumayo at lumapit na sa bata. Agad naman itong yumakap sa kanya at malakas na umiyak. Kahit siya ay hindi inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ni RC ll. Nang sabihin ni Tito Raven na ipinakilala na si Brianna, sa ina nito na si Ms. Lou. Ngayon niya naunawaan kung bakit ganun na lamang ang galit ng binata. Kahit sino naman talaga ay magagalit sa ginawa ni Ms. Lou. Pagkatapos ngayon ay basta na lang magpapakita at gusto pa na kunin ang