RC ll. MAHABANG panahon na puno ang puso niya ng galit at hinanakit. Sa kaisa-isang babaeng kanyang minahal. Subalit ng malaman niya sa mga magulang ang buong katotohanan. Parang bula na biglang naglaho at napalitan ng matinding pananabik. Nakaramdam siya ng buong pagsisisi kung bakit hindi nagtiwala kay Kristine. Ngayon hindi niya alam kung paano ito kakausapin upang humingi ng kapatawaran. Kinakain siya ng matinding konsensya. Lalo pa at maayos ang naging pagtanggap nito sa bunsong anak niyang babae. Naghahalo ang hiya, kaba at pangamba na baka hindi siya nito magawang patawarin. At ilang araw na ang lumipas magmula ng iuwi niya dito sa mansion ng tiyuhin si Kristine. Ngunit hindi niya pa rin magawang lumapit dito upang kausapin ito. Nakakalapit lang naman siya dito kapag naroon ang