NICA POV. HABANG minamasdan ko ang kalagayan ni Carl ay napapaluha ako. Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito sa araw-araw. Mayroong permanente na amnesia at ngayon ay hindi naman nakakalakad. Ang isipin pa lamang na sa bawat oras ay nakikita ko kung paano nito tinitiis ang lahat. Kahit hindi nito sabihin ay dama ko ang matinding pasakit na dinaranas nito. At hindi ko alam kung paano ko ito magagawa na tulungan. Na-miss ko na ang dating Raven, makulit, laging nakangiti at sobrang lambing. Ngayon kahit pilitin nitong ipakita sa akin na ayos lang ito. Nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata ang sakit at pagdurusa. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanyang mama dahil pinayagan akong manatili sa lugar na ito. Dito man lang ay magagawa kong tulungan ang lalaking minamah