KRITSINE HINDI siya agad nakapag-react ng marinig ang mga binitawang salita ni RC ll. At para siyang bumalik sa realidad ng makitang wala na ang dalawa. Saka pa lamang siya tumakbo palabas ng opisina at sinundan ang mag-ama. Inabutan niya ang mga ito sa parking. Ngunit napahinto siya sa paglapit ng makita ang kanyang step-sister. Kausap ito ni RC ll, at sa tingin niya ay seryoso ang usapan ng mga ito. Kaya nagkubli na lamang siya sa kabilang sasakyan at nakinig sa usapan. Tatalikod na sana siya upang umalis ng makitang tila sasampalin ni Cue si RC ll. Kaya naman ay mabilis niyang nalapitan ang mga ito. At agad niyang sinalag ang kamay nito na anumang sandali ay tatama sa mukha ni RC ll. “Let me go!” malakas na sigaw sa kanya ni Cue, ngunit mas pinilipit pa niya ang braso nito. At doon

