KRISTINE MALAPAD ang ngiti ni RC ll, iyon ang makikita sa mukha nito. “Isara mo ang iyong bibig dahil baka mag-lock ang panga mo, huh!” ngunit sumulyap lamang ito sa kanya. At pagkatapos ay naglalakad palayo habang sumisipol. “Nakapag-paalam ka na ba sa kanya?” “Hindi pa, ang hirap maka-timing sa kanya, Ate Bella. Isa pa baka hindi rin papayag ang lalaking yon.” narito ang kapatid ko at gusto siya nitong isama sa pupuntahan. At syempre gusto niya dahil ngayon lang sila magkakasama na magkapatid. “Kung huwag ka na kayang sumama? Baka ang pag-alis mo pa ang maging sanhi ng hindi nyo pagkakaunawaan?” “Ayaw kong isipin yon, saka bihira lang naman ito.” gusto niya rin na makilala ang kapatid. Kahit half sister lang niya ay kapatid pa rin niya ito. At ngayon niya lang mararanasan kung paan