KRISTINE GINISING siya ng mahigpit na yakap at nang maalala si RC ll ay agad na bumangon. Akmang sisinghalan niya ito ng makita ang anak pala ang nakayakap sa kanya. Kita niya ang pagkagulat dito dahil sa kanyang ginawa. “Mommy ko, I miss you.” sa narinig ay may kirot siyang naramdaman. Ang lungkot sa mga mata ng anak ay nagpapahiwatig ng matinding pangungulila nito sa kanya. “I miss you too, anak.” at agad na niyapos ito saka hinalikan ang ulo. “Anak kailan ka dumating at sino ang naghatid sayo dito?” “Si Mamita po hinatid niya kami ni Ate Brianna.” “Bakit hindi ko alam na dumating kayo?” “Kasi tulog ka po at sabi ni Daddy ay huwag kang istorbohin dahil pagod ka.” “Ha? anong oras na ba?” may pagtataka na luminga siya sa paligid. Ngunit wala siyang makitang orasan. “Seven in the

