Tawang-tawa si Ken sa ginawa ni Lexus sa mga nangangarap kay Vivien kahit si Lexus ay natawa sa hitsura ng mga kalalakihan. Para silang basang sisiw na iniwan ng kanilang ina sa ulan.
"Anong nangyari anak?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina ng makalapit ito sa kanila.
"Wala po, Inay tinaboy ko lang ang mga kampin ni Lucifer," sagot niya sa kanyang Inay.
"Kuuu! Mga damuhong na 'yan mamboboso talaga," tugon ng kanyang Ina.
"Hayaan mo na lang sila Inay," pang-aalo ng binata sa ina.
"Yes! Tita leave it to me!" Singit ni Ken.
Napangiti ang matanda at inirapan niya ang pamangkin.
"Tingnan ko muna si Vivien sa loob Inay," kapagkuwan ay sinabi niya rito sa ina.
Tumango ang matanda at sinamahan si Ken sa pag-iihaw.
Nadatnan niyang nanonood nang telebisyon ang dalaga. Nilingon siya nito nang pumasok siya. Umupo siya sa tabi nito.
"Anong ginawa mo sa kanila?" Tanong ng dalaga habang ang mga mata ay sa pinapanood nito nakatingin.
"Wala pinaliguan ko lang," nakangiti niyang sagot.
Tumawa si Vivien. Pinagmasdan din ito ni Lexus ngayon lang niya ito nakitang tumawa nang may buhay. 'Yun bang tawang totoo, hindi mapagkunwari. Naitigil si Vivien sa pagtawa.
"What? Do you like me?" Diretsang tanong ng dalaga.
Namula si Lexus at medyo napahiya.
"Ngayon ko lang kasi nakita na tumawa ka, 'yun bang tawa na totoo," sagot niya sa dalaga.
"Maybe," tugon ng dalaga.
Magsasalita pa sana si Lexus nang mag-ring ang selpon ni Vivien. Dinampot ng dalaga iyun at sinagot.
"Hello?" Wika ng dalaga.
"Vien, they want a race again your cousin and her new king," tinig ni Carlie iyun.
"When?" Mabilis na tanong ng dalaga sa kaibigan.
"Sunday night, same place," sagot ng kanyang bestfriend.
"Okay setteled," payag niyang sabi.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Carlie. Ngumiti naman si Vivien na tumingin kay Lexus sa kanyang tabi. Tila naman napaso ang binata at agad nag-iwas ng tingin sa dalaga.
"Sino yun?" Tanong niya pampaalis ng nerbiyos.
"A friend," maikling sagot ng dalaga.
Tumango- tango ang binata.
"Kain na tayo, baka nagugutom ka na," sabi nito sabay yaya sa dalaga.
Kapwa sila lumabas ng bahay papunta sa kinaroroonan nina Ken at ang kanyang ina.
"Anak, maupo na kayo ni Vivien dito na tayo kakain," sinabi ng kanyang ina nang papalapit na sila.
Binalingan niya ang dalaga. Tumango naman ito. Magkatabi silang naupo at nilagyan niya ng pagkain ang plato ng dalaga.
"Thanks!" Maikling sabi ng dalaga.
"Baka di mo alam ang kumain nang nakakamay?" Tanong ni Ken dito.
"Akala mo lang 'yun Ken, watch me!" Sagot ng dalaga.
Namangha nga sila dahil marunong itong kumain nang nakakamay kahit mayaman pa ito. Tuwang-tuwa naman ang ina ni Lexus.
"Akala ko hindi mo alam anak," nakangiting sinabi ng kanyang ina.
"Marunong po!" Masayang sagot ng dalaga.
Natutuwa naman si Lexus sa nakikita. Hindi niya alam ngunit may nasagi sa kanyang kalooban na ngayon niya lang naramdaman.
Matapos nilang kumain ay nagpaalam na silang pupunta sa tabing-dagat. Papadilim na kaya nagpasyang magdala si Lexus nang mga kahoy para gawin nilang bornfire sa dagat.
Tuwang-tuwa naman si Vivien. Bakas sa mukha ng dalaga na nakakalimutan niya sandali ang kanyang mga alalahanin. Paikot-ikot pa ito sabay samyo sa hanging dagat. Nagsiga naman nang kahoy sina Ken at Lexus. Magkakatabi silang naupo sa banig na dala nila. Sabay-sabay nilang pinagmasdan ang dagat.
"Namiss ko ang ganito, we always like this before." Malungkot na wika ng dalaga.
Napatingin si Lexus sa dalaga. Bumuntung-hininga ito at tumingala sa langit.
"He spoiled me too much. Kaya dobleng sakit ang aking naramdaman nang mawala siya," pagpapatuloy nito.
"Sino? Kuya mo?" Si Ken ang nagtanong.
"Yeah! Brother ko daw siya but you know? I treated him not a brother but as a lover," madamdamin nitong sagot.
Nagulat sila sa sinabi nito. Nagkatinginan silang mag-pinsan.
"Nakakatawa di ba? He's adopted by my Dad kaya naging brother ko siya," paliwanag nito.
"We love each other kaya lang inilihim namin iyun kay Dad, we became as the best tandem of all." Patuloy ni Vivien saka niya pinunasan ang kanyang luha saka suminghot at tuluyang napaiyak.
Humagulhol ang dalaga. Matagal itong umiyak. Lumapit nang husto si Lexus at hinagod-hagod niya ang likod ng dalaga.
"Umiyak ka lang, ilabas mo lahat 'wag mong kimkimin." Wika ng binata.
Biglang yumakap sa kanya si Vivien at umiyak nang umiyak ito sa kanyang balikat. Kahit si Ken ay tila maiiyak naaawa din siya sa hitsura ng dalaga.
Makalipas ang ilang sandali pa ay kumalma na si Vivien. Parang gumaan na ang kanyang dibdib na dating kay bigat-bigat. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Lexus. Ngumiti siya dito.
"Thank you!" Mahinang sinabi nito saka umayos nang upo.
"Okay lang," matipid ding sagot ng binata.
Biglang may grupo ng mga kalalakihan ang dumaan sa gawi nila. Napatingin ang dalawa sa kanila.
"Ken! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ng isa.
"Wala nagpapahangin lang," sagot ni Ken.
"Whoa! Ang ganda ng girlfriend mo Lexus, ah! Hanep ayaw mong manligaw kaya pala meron ka na," ngisi naman ng isa.
Nagigting ang baga ng binata hinawakan naman bigla ni Vivien ang braso ng binata. Kumalma si Lexus. Biglang tumayo ang dalaga. Namilog ang mga mata ng mga ito at pinagmasdan nila ulit siya mula ulo hanggang paa.
"Wow! Materyales fuertes!" Bulalas ng isa.
Nameywang si Vivien saka sumulyap kay Lexus na nakatayo na rin. Ngumisi si Vivien sa hitsura ng mga ito. Lumapit ang dalaga at binigyan niya ang dalawa nang tig-isang upper cut.
Gulantang ang lahat dahil sa lakas ni Vivien tumalsik ang dalawa. Umurong naman ang tatlo pa. Pinandilatan sila ng dalaga at agad nang naglakad palayo ang mga ito. Naiwan ang dalawang sinuntok niya, biglang bangon ang mga ito sabay sapo sa kanilang mga panga.
"Respect a woman, tandaan niyo yan." Turan ng dalaga sa dalawa.
Tumango-tango ang mga ito.
"Pasensiya ka na Lex, nakainom kasi kami." Paumanhin ng isa.
"Sige na! Maglaho na kayo dito," ani ni Ken.
"Sorry, Miss!" Wika ng isa pa.
"Kapag inulit niyo pa, makakatikim talaga kayo sa akin." Turan ni Lexus.
Dali-dali na silang lumayo mula sa kanila. Nagtinginan naman sila at nagkatawanan.
"Grabe ka! Nakakatakot ka pala!" Bulalas ni Ken.
"Sample lang 'yun," pagbibiro naman ni Vivien.
Nagkatawanan sila uit. Lihim na sinulyapan ni Lexus ang dalaga. Nahihiwagaan pa rin siya dito. Pakiramdam niya marami pa siyang matutuklasan sa buhay ng dalaga. Nagpaalam si Ken na bibili lang ito saglit sa convenience store malapit sa aplaya. Naiwan naman silang dalawa. Napansin naman ni Lexus na panay ang himas ni Vivien sa kanyang braso.
"Nilalamig ka?" Tanong ng binata.
"Konti," sagot ng dalaga.
Walang makita ang binata na pwedeng italukbong ng dalaga.
"Come here," sabi ng binata habang nakabukas ang kanyang dalawang braso.
Ngumiti ang dalaga at agad sumiksik sa dibdib ng binata. Napalunok naman si Lexus sa naramdaman. Napakalambot nang katawan nito at napakabango ang amoy ng dalaga. Napapikit siya at dahan-dahan niyang itong pinulupot ang kanyang mga braso para yakapun ito at mainitan. Libo-libong bultahe yata ng kuryente ang naglakbay sa kanyang mga ugat. Sunud-sunod ang kanyang pagkunok. Biglang tumingala sa kanya ang dalaga. Nagkatitigan sila at bumaba ang tingin ng dalaga sa bibig niya. Walang pakundangang hinalikan siya ng dalaga.
Nagulat siya sandali, ngunit pumikit din siya dahil natatangay siya sa sarap nang halik ni Vivien.