"GOOD MORNING!" Matamis na ngiti ang bumungad sa'kin nang magising ako. Yumuko si Franco upang halikan ako sa noo at sa ilong. Ngumiti ako. "Good morning." Hinaplos ni Franco ang buhok habang nakatingin siya sa'kin. "How's your sleep?" "Better than yesterday." Tumango siya. "That's good. Nagluto akong breakfast natin, kumain na tayo para makainom ka ng gamot." "I'll take a shower first." Ang bango-bango na kasi ni Franco dahil bago siyang paligo basa pa kasi ang kanyang buhok samantalang ako ay bakas ng kahapon ang amoy. Kinarga ako ni Franco. Ang akala ko ay dadalhin niya ako sa comfort hindi pala, Dinala niya ako sa kusina kung saan kailangan pa namin na bumaba ng hagdan. "Ibaba mo ako baka mahulog tayo." "Don't worry hindi kita hahayaan na masaktan." Naramdaman ko ang m