"Ladies and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Sy Airlines welcomes you to Manila. On behalf of your flight Deck Crew headed by Captain Gonsales with first Officer Devera, and the rest of the team. We thank you for choosing Sy Airlines, your airlines of choice." "Frankie, go to your Daddy." sabi ko kay Frankie bago pa lumapag ang eroplano. Nagpakarga si Frankie sa Daddy niya, at karga ko naman ang bagong silang kong anak na lalaki na si Felix. Pagkalipas ng mahigit anim na buwan ay muli kaming bumalik sa Pilipinas upang manirahan pansamantala. Dadalawin kasi namin ang magulang ni Franco. "Siguradong matutuwa ang mga Lola niya dahil makakasama na nila ng matagal ang mga apo nila." sabi ko habang pinagmamasdan ko si Felix na mahimbing na natutulog. Hin