INILAGAY ko ang damit ni Baby Frankie sa bag nang lumapit sa'kin si Franco. Hinawakan niya ang bewang ko at mabilis na humalik sa labi ko. "Are you ready?" Hinamplos ni Franco ang buhok kong natanggal sa pagkakatali nang dahil nahawakan ni Frankie nang kargahin ko siya. Tumango ako at pilit na ngumiti. Ang totoo kasi niyan ay kinakabahan ako dahil sa magkikita kami ulit ng Doña Minerva. Hindi naging maganda ang pagkikita namin noon kaya alam kong hindi maganda ang tingin niya sa'kin. "Let's go!" binitbit ni Franco ang gamit ni Baby Frankie pagkatapos ay kinarga niya ito. Nakasuot ng maong short at black t-shirt si Franco samantalang ako ay floral dress na off shoulder. Bumili na rin kami ng pagkain para ipasalubong sa kanila. "Mag-ingat kayo kung kailangan mo ng back up tawagan mo la