"Hoy, bruha!" "Aray!" napabalikwas ako ng bangon nang magising ako. Sinampal kasi ako sa pisngi ng malakas ni Mel, namula tuloy ang mukha ko. Napahalukipkip siya ng kamay at tinaas ang kanyang kilay. "Hindi ako pumunta rito para tulugan mo at ako ang maglipit ng mga iyan." sabay turo niya ng mga nakakalat sa kama ng gamit ng baby namin ni Franco. Bumangon ako at humahaba ang nguso ko na tumingin sa kanya at sabay na umirap. Nakatulog pala ako sa kahihintay ng niluto ni Mel. Mabuti na lang at panaginip lang."Nagluto lang ako ng pansit canton pagbalik ko tulog ka na umuungol ka pa. Ano ba ang napanaginipan mo at bakit ka binabangungot?" tanong ni Mel. Inumpisahan kong tupiin ang mga damit ng baby namin ni Franco. "Ang sama ng panaginip ko." "Tigilan mo na kakapanood ng horror movie ba