HABANG nakatayo si Dave, ay nakamasid siya sa babaeng siyang lahat sa kanya. Kuyom ang kamao na nagpipigil na sugurin ang dalawa at suntukin ang kaibigan si Bruno. Kasalukuyang naroon sila sa isang hotel bar and restaurant. “Boss Dave, kalma lang wala naman kakaiba sa kilos nilang dalawa.” “Walang nakakaalam, malay ko bang nakagawa na sila ng mali huh!” “Malay mo rin na hindi at wala silang ginawang mali, kaya puntahan mo na sila.” Gusto niyang mainis sa pangunguntra ni Erwin, sa kanya pero minabuting hindi na lang sumagot at humakbang na patungo sa dalawang taong busy sa kung anong pinag-uusapan. “Anong ginagawa n'yong dalawa?” “D-Dave… “Ako nga mahal, mukhang masaya kayong dalawa huh!” “Pareng Dave, kailan ka pa dumating?” “Ngayon lang at bakit hindi ka ba makapaniwala na na