GABI, tulog ng lahat ang mga tao dahil alas dyes na. Nagpasalamat siya na hindi na bumalik ang lalaking ‘yon matapos siyang masamid. Siguro ay nakabalik na ng Manila, maingat siyang nagtungo sa balkonahe ay sumilip sa labas. Wala rin siyang nakitang ibang tao, kaya naman ay pagkakataon na niyang isakatuparan ang plano. Naghintay pa siya ng matagal at nanatili sa balkonahe upang magmasid kung may tao pang gising at nang masiguro na wala ay sinimulan na ang gagawin pagtakas. Lumuhod sa gilid ng kama at inabot ang bagay na gagamitin niya. Sana lang ay hindi iyon malagot, dalawang tali ng bathrobe, isang kumot at isang sapin sa kama. Habang itinatali sa barandilya ay taimtim siyang nagdadasal na sana ay magtagumpay siya sa gagawin. Nang masiguro na mahigpit ang pagkaka tali ay itinali sa bay