KAUSAP ni Dave, ang therapist ng kanyang asawa. Ayon dito ay talagang matatagalan bago makalakad si Trisha. Ngunit ang nagbigay pag-asa sa kanya ay ang salita nitong malaki ang chance na muling bumabalik sa normal ang lahat. Hindi lang iyon nagpaturo din siya ng basic sa pagmamasahe upang kahit paano ay may maitulong siya. “Idadapa kita asawa ko, okay?” “Sige, ikaw ang bahala.” Inayos niya ang pwesto nito at nang masigurong komportable ay sinimulan hilutin ang likuran nito. “Sabihin mo pag nasasaktan ka.” “Okay, Dave.” Habang ginagawa iyon ay hindi niya maiwasan pagmasdan ang buong katawan nito. Malaki na ang binagsak nito, ang dating malusog na legs ng asawa ay lumiit na. “Ugh… D-Dave… “Masakit ba?” “H-Hindi pero nakikiliti ako sa ginagawa mo.” “Oh, akala ko nasasaktan ka.” “D